Dantes

MARIAN, MARAMING PASIKLAB SA B-DAY NG ‘GOOD-SOUL PARTNER’ NA SI DINGDONG

August 2, 2023 Jun Nardo 141 views

SARAP ng madamdaming pagbati na sinamahan pa ng halik sa labi ang ginawa ni Marian Rivera sa kaarawan ng asawang si Dingdong Dantes kahapon, August 2.

Sinundan ito ni Yan ng mensahe para sa asawang todo-todo ang pagmamahal na ipinagmalaki niya sa kanyang socmed accounts.

“Cheers to the most amazing husband on his special day! Happy birthday to the one who fills my fills my life with love and happiness.

“I thank GOD every day for sending you in my into my life, my good-soul partner.

“Here’s to another year of laughter, adventures, and endless love. Mahal kita ng todo. #LoveOfMyLife,” caption ni Yan sa piniling litrato ng asawa.

Marami pang ginawang pasiklab na pagbati si Marian kay Dong at isa rito ang litrato ng kamay niya na may engagement at wedding rings.

Siyempre pa, tuwang-tuwa ang netizens at followers ni Marian na abot hanggang langit ang wagas na pagmamahal sa asawa.

Teka, August-born din si Marian, ‘di ba, Ian F? (Yes, August 12. — IFF)

Happy, happy birthday, Dong and Yan!

AUTHOR PROFILE