Sarah

Kanta ni Sarah G, parte ng wedding vow ni Maja

August 2, 2023 Vinia Vivar 354 views

Maja5Viral sa social media ang video ng wedding vow ni Maja Salvador kay Rambo Nuñez noong July 31 sa Bali, Indonesia.

Dito ay naging emosyonal ang aktres kung saan ay nabanggit pa niya si Sarah Geronimo na naging daan para magkabalikan sila.

“Ikaw at ako, wala nang iba. Dahil nga nag-umpisa ‘yung kilig at pagmamahalan natin after ng concert ni Sarah. Kung darating man ‘yung araw o panahon na kukuwestiyonin mo kung mahal kita, lagi mo lang tandaan ‘yung kanta niya,” parte ng wedding vow ni Maja sabay bigkas sa lyrics ng awiting Sa Iyo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging boyfriend na ni Maja si Rambo when she was younger.

Ilang buwan lang silang naging magdyowa dahil that time, mas priority niya ang kanyang career.

After nine years, nagkabalikan sila nang magkita matapos ang concert ni Sarah G.

Noon pa sinasabi ni Maja na isa siyang Popster (tawag sa fans ng Popstar Royalty).

B-DAY BREAKFAST SURPRISE

ZiaSa pagdiriwang ng 43rd birthday ni Dingdong Dantes kahapon, sinupresa siya ng kanyang pamilya by preparing breakfast.

Makikita sa mga larawang ipinost ni Dingdong na mukha nga siyang bagong gising at ang misis na si Marian Rivera, pati mga anak nilang sina Zia at Sixto, ay naka-pajama pa.

“Embracing 43 with all the love and energy from my family! They surprised me with a beautiful breakfast and an early Karaoke medley — huwaw!!” caption ni Dingdong.

Makikita rin sa mga picture na hawak nina Zia at Sixto ang mic na tila hinahandugan siya ng awitin.

Nag-post din si Marian sa IG Story ng larawan ni Dong sa harap ng birthday cake, gayundin sa balloon set-up sa garden.

Siyempre, hindi nakalimot si Marian na magbigay ng birthday message sa kanyang mister.

Bago ang kanyang kaaawan, sinurpresa rin si Dingdong sa taping ng production staff at co-stars niya sa Royal Blood noong July 31.

Naghanda sila ng salu-salo para sa aktor with matching cake at lechon.

AUTHOR PROFILE