Cords

Magno itinalagang CORDS for Davao region

August 1, 2023 People's Tonight 171 views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Leo Tereso Magno, ang kasalukuyang Presidential Assistant para sa Eastern Mindanao, bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) para sa Southern Mindanao. A

Bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na paigtingin ang laban kontra sa insurgency sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkatalaga kay Magno.

Layunin ng pagtatalaga ng CORDS saan mang rehiyon ang palakasin at palawakin ang mekanismo ng NTF-ELCAC upang mabisang maihatid ang mga programa at proyekto ng pamahalaan, ayon kay Magno.

Bukod dito, tutulong siya sa Pangulo sa pagtugon sa mga usapin ng pamahalaan sa rehiyon at tutugunan ang mga pangangailangan sa kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng iba’t ibang mga sangay tulad ng Regional Peace Order Councils, Cabinet Oversight Committee on Internal Security, Regional Development Councils, at local special bodies.

Ipinahayag ni Magno ang kanyang determinasyon na tukuyin ang mga prayoridad at proyekto ng rehiyon sa pamamagitan ng konsultasyon sa mga lokal na opisyal at pribadong sektor, upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.

Bukod pa rito, magiging pangunahing tagapanguna si Magno sa mga pagpupulong ng Pangulo sa rehiyon at kinakailangang magsumite ng mga ulat sa Pangulo sa pamamagitan ng Executive Secretary.

AUTHOR PROFILE