Malacanang Source: FB

Lumang Malacanang buildings gagawing tourism assets

April 22, 2024 Chona Yu 84 views

PINASIMULAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-aayos sa mga lumang gusali sa Palasyo ng Malakanyang para gawing bagong tourism assets.

Kabilang sa mga ipinaayos ang Goldenberg Mansion at Laperal mansion.

Layunin ng proyekto na mabigyan ng accessible venues para sa conferences ang mga bibisitang lider sa bansa at iba pa.

“Karamihan sa palasyo naman ang mga meeting at engagement kaya nitong mga nakaraang buwan may idinagdag tayo sa latest addition sa ating Filipino hospitality asset,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ito ang parang lodging o tuluyan ng ating mga bisita, guesthouse. Imbes na magho-hotel pa sila sa malayo, mata-traffic at mahihirapan sa schedule ng mga meeting, dito na lang sila sa palasyo.

Nagkataon na may mga napabayaang lumang bahay sa compound ng Malacañang at may nakita kaming isa na pwede pang i-renovate, ‘yun ang aming ginawa,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Isinagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Office of the President sa Social Secretary at Office of First Lady, Louise “Liza” Araneta-Marcos.

AUTHOR PROFILE