
Luis, positibo sa Covid
Ipinost ni Luis Manzano kahapon sa Instagram ang positibong resulta ng kanyang Covid-19 test sabay paalala sa lahat na mag-ingat.
Aniya, “Stay safe everyone! Tumataas na naman cases! First time tamaan since start of the pandemic.”
Siyempre, panandaliang mahihiwalay ang TV host sa mag-inang Jessy Mendiola at Baby Peanut (Rosie) habang nagpapagaling.
Komento ni Jessy, “We love you papa! You will recover quickly for sure!” na sinagot naman ni Luis ng, “miss my babies!”
Maging ang ina ni Luis na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, nag-react sa post niya at nagsabing, “Love you anak!!”
Isa rin ang aktres na si Sylvia Sanchez sa mga nag-wish ng agarang paggaling ni Luis na tinawag niyang “batang mabait.”