Luis Manzano & Jessy Mendiola

Luis at Jessy may new baby next year?

December 10, 2023 Aster Amoyo 208 views

PAREHONG hands-on parents ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang first born na si Isabella Rose na may palayaw na Baby Peanut na siyang unang apo ng separated parents ng actor-host and entrepreneur na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.

Although sa December 28 pa ang actual birthday ni Baby Peanut, the couple celebrated it earlier dahil alam nila busy na ang lahat but there will still be another birthday celebration for her on the 28th.

Sa advance birthday celebration ni Baby Peanut ay dumalo ang mag-asawang Rep. Ralph Recto at Vilma Santos-Recto. Naroon din ang ex-husband ni Vi na si Edu Manzano.

Kahit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Vi at Edu bilang mag-asawa ay nanatiling magkaibigan ang dalawa. Luis is very close to his step-dad na si Rep. Ralph na parang anak din ang turing sa kanya bilang big brother ni Ryan Christian Recto.

Although nagpahiwatig si Jessy na muli nitong babalikan ang kanyang acting career this 2024, may mga nagsasabi ring baka magkaroon na ng baby sister or brother si Baby Peanut next year.

Baby Peanut is a mini-me of her paternal grandma na si Ate Vi.

AUTHOR PROFILE