Transport Ang mga tauhan ng LTO inspection team habang nag-inspect sa 2 transport groups terminal para siguraduhin na roadworthy ang mga traditional jeepney bago bumiyahe.

LTO nagpasalamat sa 2 transport groups

March 12, 2024 Jun I. Legaspi 190 views

PINASALAMATAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang dalawang transport groups dahil sa pagsusuri sa roadworthiness ng mga pampasaherong jeep na miyembro nila.

Pinangunahan ni Mendoza ang pagsusuri sa mga terminal ng Basicano Transport Service and Multi-Purpose Cooperative at ng DMNR Inc. (Divisoria Monumento Novaliches Recto) sa Caloocan-Novaliches noong Marso 12.

“The two transport groups initiated the request for inspection and this only shows good and responsible leadership, as well as genuine concerns for their passengers, on the part of their leaders and members,” sabi ni Mendoza.

“Tayo ay nagpapasalamat sa tiwala na kanilang ipinapakita sa LTO at malasakit at pagmamahal sa kanilang trabaho at kanilang mga pasahero,” dagdag pa niya.

Isinasagawa ang pagsusuri alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista para matiyak ang kaligtasan sa daan ng lahat ng public utility vehicles (PUVs) bilang bahagi ng kampanya sa kaligtasan sa mga kalsada.

Dinala ng mga tauhan ng LTO ang mga mobile emission testing machine at iba pang kagamitan na nagtutukoy ng kaligtasan sa daan ng mga PUV sa roadworthiness test ng grupo.

Sa panig ng Basicano Transport Service and Multi-Purpose Cooperative at ng DMNR Inc., ipinaabot ng kanilang mga pinuno ang pasasalamat kay Mendoza sa pagpayag sa kanilang kahilingan ng one-time, big-time roadworthiness inspections.

Ginamit din ang aktibidad na pagkakataon para mapabilis ang renewal ng rehistro ng sasakyan, pati ang iba pang mga transaksyon ng mga miyembro nito kaugnay sa LTO.

AUTHOR PROFILE