
Long umamin sa pagkakamali
ANG veteran writer-director ang tumulong sa dating street vendor at barker na si Long Mejia na matupad ang pangarap nitong maging isang artista nang sumali ang huli sa “Joke Forum” ng PTV kung saan si Direk Ipe Pelino ang director.
Nang lumipat si Direk Ipe sa GMA para pamahalaan ng weekly sitcom na “Kool Ka Lang” na pinagsamahan nina Raymart Santiago, Joey Marquez at Jomari Yllana, naipasok din ni Direk Ipe si Long nang hindi sumipot sa taping ang isa sa mga mainstay ng sitcom, ang singer-comedian na si Blackjak. Nagkataon na naroon noon si Long na nagbakasakaling makapasok sa programa bilang extra.
Sinubukan si Long at ito’y nagustuhan nina Raymart at Joey. Sa kalaunan ay naging regular si Long sa “Kool Ka Lang,” isang popular sitcom noon ng GMA na tumagal sa ere ng halos limang taon.
Hinding-hindi makakalimutan ni Long si Joey Marquez dahil ito ang nagbigay sa kanya ng kauna-unahang sasakyan, isang second hand Cefiro nung December 22, 2002.
Ang “Kool Ka Lang” stint noon ni Long ang siyang nagbigay-daan para mapansin siya ng ABS-CBN. He was offered to be a part ng dating noontime show noon ng TV network, ang “MTB: Ang Saya-Saya” kung saan din noon kabilang sina Randy Santiago, Bayani Agbayani, Dennis Padilla at iba pa. Bukod sa noontime show ay nagkaroon pa siya ng dalawang ibang programa, ang sitcom ng yumaong Comedy King na si Dolphy, ang “Home Along Da Riber” at isang gag show.
Dahil sa kinikita noon ni Long ay nabigyan umano niya ng magandang buhay ang kanyang ina at pitong kapatid. Ang siste, nagbago si Long at umangat sa lupa ang kanyang mga paa. Hindi niya inaasahan na ang tatlo niyang programa sa telebisyon ay isa-isang nawala leaving him without work for sometime. Dumating pa noon ang time na meron siyang pitong alalay kaya marami ang na turn-off sa kanya. Doon lamang na-realize ng actor-comedian ang kanyang mga pagkakamali kaya binago niya ang kanyang sarili hanggang sa siya’y makabangong muli.
Kasama ang TV host-actor-entrepreneur na si Luis Manzano sa mga nagtiwalang muli kay Long sa mga programa nito sa ABS-CBN gayundin ang actor-producer ng weekly sitcom sa TV-5, ang “John en Ellen” na si John Estrada.
“Marami akong natutunan sa mga pagkakamali ko noon,” pag-amin ni Long who is Robert `Bobet’ Mejia sa tunay na buhay.
Ang isa pang taong pinagkakautangan ng loob ni Long nang magkasakit ang kanyang nakababatang kapatid na babae ay si Sen. Manny Pacquiao.
Bukod sa pagiging actor-comedian, si Long ay isa ring successful vlogger at TikToker.
Veteran action director pumanaw na
PUMANAW na ang ang veteran film editor at action movie director na si Augusto `Ogie’ Salvador sa edad na 82 nung nakaraang Lunes, June 7 dahil sa sakit sa puso.
Si Direk Ogie ay nagsimula bilang film editor in 1956 bago siya naging in-demand na action director ng mga action star noong dekada otsenta at nubenta.
It was in 1984 nang gawin niya ang kanyang directorial debut na “Baracuda” na pinagbidahan ni Sen. Lito Lapid. Naidirek naman niya ang yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. sa mga pelikulang “Mabuting Kaibigan Masamang Kaaway” nung 1991 na sinundan ng “Eseng ng Tondo” in 1997. He directed Edu Manzano and Ronnie Ricketts in “Kumukulong Dugo” nung 1991 at sina Phillip Salvador at Edu sa “Joe Pring 2: Kidlat ng Maynila” nung 1991. Si Ian Veneracion ay nadirek ni Direk Ogie sa pelikulang “Armadong Hudas” nung taong 1998. Ang yumaong action star na si Rudy Fernandez ay nakatrabaho niya sa pelikulang “Nagkataon, Nagkatagpo” nung 1994 habang ang yumaong veteran actor-director na si Eddie Garcia ay na-handle niya sa pelikulang “Doring Borobo” nung 1993 bukod pa sa ibang action movies kung saan siya (Eddie) ang main contravida tulad ng “Ikasa Mo Ipuputok Ko” ng pinagbidahan ni Phillip Salvador. Bukod sa “Kumukulong Dugo” na pinagsamahan nina Edu Manzano at Ronnie Ricketts, naidirek din ni Direk Ogie si Ronnie Ricketts sa pelikulang “Tatak ng Isang Api” nung 1989. Pero si Ipe (Phillip Salvador) ang may pinakaraming pelikulang naidirek ni Direk Ogie tulad ng “Lucio Margallo,” “Berdugo,” “Masahol Pa Sa Hayop,” “Maginoong Barumbado,” “Joe Pring 1: Homicide, Manila Police,” “Pamilya Valderama,” “Angel Molave,” “Ikasa Mo Ipuputok Ko,” “Hayop sa Hayop,” “Pag Oras Mo Na Oras Mo Na,” “Resbak: Babalikan Kita” at “Pulis Probinsiya 2”. Nahawakan din niya bilang director ang actor-politician na si Ramon `Bong’ Revilla, Jr. sa mga pelikulang “Ang Agimat: Anting-Anting Ni Lolo” in 2002 at “Kilabot at Kembot” also in 2002/
Direk Ogie has edited about 214 movies and directed over a hundred films.
During the time na uso pa ang mga action movies, sobrang in-demand si Direk Ogie along with other well-known action directors tulad nina Pepe Marcos, Jose `Joe’ Carreon, Toto Natividad, Willy Milan at iba pa.
The legacy of Ester Chavez

ANG well-loved veteran radio talent ng DZRH, TV and movie actress na si Ester Chavez ay sumakabilang-buhay nung nakaraang May 31, 2021 sa edad na 93 due to complications na may kinalaman sa old age. The following day, June 1, she was cremated.
Ang boses ni Ester ay isa sa mga hinahangaan, namayagpag at tumatak sa radio drama programs ng DZRH along with the late Augusto Victa na nag-cross over din sa telebisyon at pelikula. Kasama sa mga radio drama program na tumatak noon sa listeners ay ang “Ilaw ng Tahanan” at ang “Ang Tangi Kong Pag-ibig”.
Taong 1980 nang mag-cross over si Ester sa telebisyon sa pamamagitan ng hit TV series na “Anna Liza” na pinagbidahan ng yumaong si Julie Vega at tumagal ng halos limang taon mula February 4, 1980 to May 10, 1985. Ang nasabing serye ang kauna-unahang primetime TV series ng GMA.
Taong 1984 nang gawin ni Ester ang pelikulang “Kung Mahawi Man ang Ulap” na sinundan ng “Paano Kung Wala Ka Na” in 1987, “Maging Sino Ka Man” in 1991 at “Pangako ng Kahapon” in 1997, all under Viva Films.
Bago siya nagka-stroke six years ago ay religiously siyang nagre-report sa kanyang radio program sa DZRH.
Kilala si Ester sa pagiging passionate sa kanyang trabaho na kanyang sinimulan when she was 17. Dumarating siya sa set na memoryado ang kanyang mga linya, naka-make up at nakaayos na at ready for the take.
Ang mister ni Ester ay ang yumaong si Col. William Chavez kung kanino siya nagkaroon ng tatlong anak – two boys and a daughter, sina Armando, Andrew at si Annabelle na sumakabilang-buhay nung August 2020.
Naiwan ni Ester ang kanyang dalawang anak na lalake and their respective families, sampung grandchildren at apat na mga apo sa tuhod.
Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.