Bianca kinabahan kay Dennis

June 8, 2021 Eugene E. Asis 351 views

INAMIN bi Bianca Umali na bago gawin ang upcoming family drama series na ‘Legal Wives’ na unang teleseryeng pagsasamahan nila ng Kapuso Drama King Dennis Trillo ay kinabahan siya.

“It was exciting but at the same time medyo kinakabahan ako kasi napakagaling umarte ng isang Dennis Trillo. To have the opportunity to be in a scene and act with him beside you, not everyone has experienced that,” pahayag ni Bianca.

“So ayun na, noong nasa eksena na kami, grabe! Sobrang natuwa ako kasi I was really looking forward to it. I really enjoy kapag na-e-experience ko ‘yung trabaho ng magagaling na actor,” dagdag pa niya.

Kaya ngayon, masaya siyang napabilang sa makabuluhang serye at lubos siyang nag-e-enjoy na makatrabaho ang mahusay na aktor.

Gagampanan ni Bianca ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na role naman ni Dennis. Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na may tatlong babaeng pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.

Jennica blooming ang dating pagkatapos ng hiwalayan

MARAMI ang nakapansin na blooming at fresh ang dating ngayon ni Jennica Garcia mula sa kanyang pasilip na ‘morning look’ sa lock-in taping ng ‘Las Hermanas.’

“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” post ni Jennica sa Instagram.

Tila kaagad siyang nakabawi matapos ang kontrobersyal nilang hiwalayan ng mister na si Alwyn Uytingco. Sa isang interview, pinabulaanan niyang pera ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Aniya, may iba pang malalim na dahilan.

Sa ngayon, kabi-kabila ang suportang natatanggap ni Jennica sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos ang ilang taon. Komento ng isang netizen, “Wow. Balik ulit sa pag-arte keep on fighting and stay safe po.”

Sa ‘Las Hermanas,’ gagampanan ni Jennica ang karakter ni Brenda, ang magiging karibal ni Dorothy na bibigyang-buhay naman ni Yasmien Kurdi. Kasama rin nila ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez pati na rin sina Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Jessica pinuri ng isang Hollywood vocal coach

IBANG klase ang singer na si Jessica Villarubin dahil nakuha niya ang atensyon ng Hollywood vocal coach na si Lee Lontoc ng American boutique media company ‘VisionQuest Sound’ dahil sa kaniyang bagong single na ‘Beautiful’.

Kabilang sa mga nakatrabaho na ni Lee ang mga sikat na international artists na sina Melanie Brown ng Spice Girls at Saoirse Ronan.

Pagpuri niya kay Jessica, “Vocals and production are spot on and I love her energy! Jessica’s voice embodies beauty, grace, power and style. Put these qualities against a catchy song like “Beautiful” and you’ve got a winner! This song could be a hot number this summer with the right push.”

Ini-release ng The Clash Season 3 grand winner ang kantang ito noong nakaraang buwan under GMA Music at napapakinggan na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms. Mapapanood na rin ang official music video ng ‘Beautiful’ sa YouTube channel ng GMA Music.

Star Pop talent Kanishia may sagot sa mga bully

MAY buwelta sa mga bully na mahilig mangutya ng iba ang Star Pop talent na si Kanishia sa bago niyang single na “Never Feel Pretty.”

Mensahe ng kanta na malaki ang kaibahan ng pagiging ‘self-empowered’ at pambu-bully ng iba, at ibinibida rin ang halaga ng pagkakaroon ng magandang panlabas at panloob na anyo.

Ani Kanishia, inspired ang kanta sa mga ‘vain’ at ‘insecure’ na palaging ibinababa ang iba. “Pwede nilang pagandahin ang sarili nila sa pisikal pero hangga’t masama ang asal nila sa ibang tao, hindi talaga sila magiging tunay na maganda.”

Bagong kolaborasyon ito ni Kanishia sa singer-songwriter na si Marion Aunor, na siya ring sumulat at nag-compose ng debut single niyang “A Little Taste of Danger.” Ang mga producer nitong si Jack Rufo at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo rin ulit ang nag-produce ng pinakabago niyang kanta.

Bilib naman ang ilang YouTube netizens sa “Never Feel Pretty” dahil tunog-international daw ito. “Woah it’s actually a bop! Tunog parang international singer. Nice,” comment ni Bryan.

“Maganda siya, parang international tunugan,” dagdag ni JocelynG.

Si Kanishia ay 20-anyos na artist ng Star Pop na marunong umarte, kumanta, at sumayaw mula sa experience niya simula pa noong bata siya at sa pagsali niya sa mga school theater productions. Inilabas niya noong 2020 ang debut single niyang “A Little Taste of Danger.”

AUTHOR PROFILE