Default Thumbnail

Lolo tiklo sa pagpapaputok ng baril sa Sampaloc

January 2, 2023 Jonjon Reyes 198 views

ISANG lolo na miyembro umano ng “Bahala Na Gang” ang inaresto na animo’y mistulang “cowboy” matapos na walang habas na nagpaputok ng baril sa isang kalye sa Sampaloc, Maynila.

Unang bungad ng pagpasok ng taong 2023 ng magkaroon ng tensiyon sa lugar dahil sa pamamaril ng suspek sa M. Dela Fuente Street, Sampaloc, Maynila Linggo ng madaling araw.

Base sa ulat ni Police Lt. Col. Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station 4, pasado ala-1:05 ng madaling araw, nang magpaputok ng baril ang matandang suspek sa nasabing lugar.

Ayon kina Pat. Ronie Manuel at Pat. Francis Libo- on, kapwa nakatalaga sa Lacson Police Community Precinct sakop ng Station 4, habang nagpapatrol sa area ng Sampaloc lulan ng motorsiklo, narinig nila ang sunod-sunod putok na inakalang galling sa paputok.

Subalit isang concerned citizen ang nagsumbong kung kaya’t agad nila itong pinuntahan sa lugar at dito na nila nadatnan ang suspek na bitbit pa ang gamit na baril.

Agad nila itong sinita at mabilis na dinamba bago pinosasan.

Isinailalim muna ito sa isang medical checkup bago dinala sa presinto.

Narekober ang kalibre 38 pistola na may apat na basyo at isang live bullet.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 11926 (Indiscriminate Discharge of Firearm Act) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.)

AUTHOR PROFILE