Dead-on-the- spot ang isang lolo matapos masagasan ng truck-mixer Dead-on-the- spot ang isang lolo matapos masagasan ng truck-mixer sa Claro M. Recto Avenue malapit sa Tomas Mapua St., Sta Cruz, Maynila. Kuha ni JON JON REYES

Lolo, 84, pisak sa trak

September 8, 2023 Jonjon Reyes 325 views

LASUG-LASOG ang buto ng isang 84-anyos na lolo matapos na masagi at tuluyang magulungan ang truck-mixer sa Claro M. Recto Avenue malapit sa Tomas Mapua St., Sta.Cruz, Manila Huwebes ng hapon.

Nakilala ang biktima na na si Donato Ang ng Carvajal St., Binondo, Maynila.

Kusang loob na sumuko kay Police Lieutenant Colonel Rexon Layug, Commander ng Manila Police District-Meisic Police Station 11 ang tsuper ng truck-mixer na si Edilberto Aballe, 48, ng HB Concrete Buider’s Inc. sa Taguig City.

Agad na itinawag sa tanggapan ni Police Major Jaime Gonzales, Investigation Chief ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang insidente para maimbestigahan.

Base sa ulat ng MDTEU, bandang 5:30 ng hapon nang aksidenteng magulungan ng truck mixer ang biktima sa nasabing lugar

Nakatayo sa island ang biktima nang mahagip ng concrete mixer truck kaya natumba hanggang sa masagasaan.

AUTHOR PROFILE