Default Thumbnail

Lolo, 60, hinataw ng silya sa dibdib, dedo

January 16, 2024 Gil Aman 126 views

DEDO ang 60-anyos na lolo matapos hatawin ng silya sa dibdib ng kanyang nakaaway na lasing sa Brgy. Pinagbayanan, Pila, Laguna noong Lunes.

Kinilala ni Police Major Abelardo Jarabejo III, hepe ng Pila police, ang biktima na si Elizar Alipoon.

Naaresto ang suspek na si Alyas Nico Dawinan ng mga barangay tanod matapos ang pagkakapatay nito kay Alipoon.

Base sa imbestigasyon dakong alas-10:35 ng gabi naganap ang pangyayari.

Pinuntahan ang biktima ng suspek na lasing saka kinompronta pero nauwi sa suntukan.

Habang nagsusuntukan, nakakuha ang suspek ng silya saka hinataw sa dibdib ng matanda kaya nawalan ng malay.

Agad namang isinugod sa Laguna Medical Center ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Mahal Ramil dahil sa malubhang tama sa dibdib.

May record na nakulong ang suspek dahil sa ibang kaso na isinampa sa kanya.

AUTHOR PROFILE