Paolo Contis

LOLIT, SUMABOG!

June 14, 2023 People's Tonight 318 views

“When you want WAR, I am ready, anytime, anywhere, hindi kailangan isali ang sino man sa alaga ko.”

‘Yan ang matapang na paghamong binitiwan ng talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis sa kanyang Instagram account bilang pagtatanggol sa alaga niyang si Paolo Contis na mukha umanong nadadamay sa personal na galit sa kanya ng ilang tao.

Sa isang two-part IG post, pinuna ni Lolit ang aniya’y halos araw-araw na pamimitik dito ni Cristy Fermin na sabi niya ay minamahal at iginagalang ng isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga” sa GMA-7.

“May nagawa kayang mali si Paolo ? Nasaktan ba niya si Cristy ? O baka naging punching bag lang siya dahil may ibang gustong patamaan si Cristy, o baka naman may naninira kay Paolo kaya naging ganuon ang image nito kay Cristy. Sana naman nga constructive lang ang pitik ni Cristy kay Paolo. Sayang naman iyon paggalang at pagmamahal kung mawawala di ba dahil lang sa isang bagay na hindi importante. Sad ako dahil feeling ko baka sa akin galit si Cristy at nadamay lang si Paolo. Sana hindi, dahil alam ko na kung may galit si Cristy sa akin sasabihin niya at hindi niya itatago iyon. Isang fair at marespetong tao si Cristy, at bilang writer ay very fair at factual. Hindi sisirain ni Cristy ang pagkatao niya dahil lang sa personal na galit. At hindi si Cristy ang klase ng tao na magsasalita ng maaring ikasira ng isang artista na tulad ni Paolo Contis. Sad lang ako na dahil lang dito maapektuhan ang trabaho ni Paolo na isa pa naman mahusay at professional na artista. Dahil nga sa paggalang ni Paolo kay Cristy kaya tiyak ko affected ito kung naririnig niya ang mga pitik ni Cristy. At sa panahon ito na kadalasan pinaniniwalaan mo ang anuman marinig at mabasa mo nakakatakot na baka maniwala nga na baka tutoo ang galit/ pitik ni Cristy kay Paolo. Ngayon lang bumabawi ang career ni Paolo ng masasabi natin talagang makikita mo na ng buo ang lahat ng pinaghirapan niya. Siguro nga oras na para maayos lahat pati private life niya. Kung anuman naging pagkakamali niya sana naman mabigyan kapatawaran para maging patag na ang journey niya sa buhay,” pahayag ni Lolit.

Patuloy niya, “Sana maging isa sa gabay niya si Cristy dahil nga ngayon niya mas kailangan ang mga mabuting tao sa paligid niya. Hindi ako maniniwala na gusto ni Cristy masira ang career ni Paolo dahil sa mga pitik ni Cristy. Tiyak ko na hindi gugustuhin ito ni Cristy mismo. Siguro naman kung sa akin may galit si Cristy puwede naman ako ang sabihan niya, at hindi si Paolo. At kung tutoo na ang mga intrigera, inggitera mga fat ladies na plastic ang gumagawa ng intriga sana naman hindi dahil ngayon pa lang I say, when you want WAR, I am ready, anytime, anywhere, hindi kailangan isali ang sino man sa alaga ko. Ako ang gusto nyo ibagsak, I am ready, you are welcome anytime. Please spare iyon walang kasalanan. I am sure Cristy is fair, kaya tatanggapin ko na constructive ang mga pitik niya kay Paolo Contis. And as long as Paolo Contis feel he is not guilty of anything, take it as a sign of a mother castigating her son for a naughty thing he has done.

“Fight a worthy battle, don’t waste your time with things not worth your time. Basta I will always be at your side Paolo, anuman laban mo dahil I know you are a good person, Fighting,” pagtatapos ni Lolit.

AUTHOR PROFILE