Kpop2

K-pop groups patuloy na dumadagsa sa Pilipinas

June 15, 2023 Aster Amoyo 346 views

Kpop1KpopMATAPOS ang successful concert at the Big Dome ng tatlong popular K-Pop artists na dating members ng iba’t ibang K-pop groups who went solo na sina Beakhyun, B.I. at Jeon Somi na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last Sunday, June 11 which was co-produced ng OctoArts Entertainment and Cornerstone Entertainment, tatlong magkakaibang all girls K-pop group  na naman ang aabangan ng mga Pinoy  K-pop fanatics sa darating na August 11, 2023 (Friday) ng 7 p.m. sa Mall of Asia Arena, ang Mamamoo+ (first sub-unit ng girl group na Mamamoo) kung saan tampok ang powerhouse duo na sina Solar at Moonbyul, ang grupong KEP1ER at ang kauna-unahang concert sa Pilipinas ng multi-national group na Lapillus.  Ang nasabing concert ay produced ng OctoArts Entertainment na pinamumunuan ni Orly Ilacad na siya ring big boss ng OctoArts Films.

Ang 9-member multiracial girl group na KEP1ER ay magtatanghal sa Pilipinas for the first time.  Ang grupo ay nabuo sa pamamagitan ng survival show na “Girls Planet 999” and had their debut on January 3, 2022 sa pamamagitan ng kanilang unang mini album na pinamagatang “First Impact”.  Ang kanilang pangalan ay kumbinasyon ng”Kep” na ang ibig sabihin ay catching dreams habang ang number 1 ay pagiging isa ng siyam na miyembro.  Since magtatapos na ang kanilang kontrata sa darating na June 2024, ang pagdating nila sa Pilipinas might be their first and last na mapapanod ng mga Pinoy fans nang live bilang KEP1ER.

Although nakarating na ng Pilipinas ang Lapillus nung isang taon, ngayon lamang siya haharap sa isang live concert sa Pilipinas.  Ang grupo ay binubuo nina Chanty na isang Filipino-Argentinian; Shana, Japanese; Yue na isang Chinese-American; at sina Bessie, Seowon at Haeun, Koreans.

During the `80s and early `90s ay naging aktibo ang OctoArts Entertainment sa pagpu-produce ng mga live concerts featuring popular foreign artists tulad ng Menudo, ang popular Puerto Rican teen group; Stevie Wonder, Cyndi Lauper, the late Laura Branigan, ang Norwegian duo na Fra Lippo Lippi among others.  Ang OctoArts din ang nag-produce ng first major concerts noon nina Jessa  Zaragoza and flutist Eddie Munji.

Since namamayagpag ang kasikatan nga mga K-Pop artists and K-pop groups sa Pilipinas  focus muna  ang OctoArts sa pagpu-produce ng live concerts featuring South Korean popular artists.

MOWELFUND malaki ang tulong sa mga taga-industriya

MATAGAL naming nakakwentuhan ang incumbent President/CEO na MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation, Inc.) at veteran actor na si Rez Cortez sa tanggapan mismo ng MOWELFUND to renew my membership of which I am now an honorary member.

We became a member of MOWELFUND since 1994 nung nagta-trabaho pa ako sa OctoArts Entertainment and OctoArts Films and paying my yearly membership fee deligently without let-up.

Sa aming pagbisita sa tanggapan ng MOWELFUND ay  masayang  ibinalita ni Rez  sa amin na bukas na rin ang membership sa mga entertainment press or writers with P400 membership fee and  yearly renewal fee of same amount.

Hindi man ganoon kalaki ang makukuhang benefits ng mga member ng MOWELFUND, nagbibigay ang foundation   ng continuing P5,000 taun-taun sa mga miyembro na meron nang  maintenance meds, P8,000 for confinement (maximun of three times a year), P13,000 for surgical medical assistance (once a year) at P35,000 death benefit.

Karamihan sa ating mga kasamahan sa panulat ay hindi miyembro ng SSS kaya malaking tulong na rin kung sila’y magiging miyembro ng foundation.

Nung kasagsagan ng Covid-19 pandemic, nakapagbigay ang foundation ng P3,000 assistance sa mga miyembro.

Ang MOWELFUND ay itatag nung 1974 ng noo’y actor-producer na si Joseph `Erap’ Estrada na sa kalaunan ay naging mayor ng San Juan, Vice-President and President of the Republic of the Philippines at nanilbihan ding mayor ng Maynila sa loob ng dalawang termino.

Isa bale ang MOWELFUND na mga legacy na maiiwan ni dating Pangulong Erap sa mga taga-industriya ng Pelikulang Pilipino laluna sa maliliit na manggawa  ng industriya.

Ang MOWELFUND ay isa sa recipients ng pondo mula sa taunang Metro Manila Film Festival along with the other guilds or agencies tulad ng Film Academy of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ngayon ng chairman at veteran actor na si Tirso Cruz III, Film Academy of the Phippines (FAP) with Manny Morfe as OIC, Film Piracy Board at iba pa.

Bukod sa benefits na nakukuha ng mga miyembro ng MOWELFUND, nagi-sponsor din ang foundation ng iba’t ibang educational  workshops, medical missions at iba pang programa.

Ayon na rin mismo kay Rez, malaki umano ang maitutulong ng Presidential Advisor on Creative Communications ni Pres. Ferdinand `Bongbong’ Marcos, Jr., ang director-producer na si Paul Soriano na maipahatid sa pangulo ang mga hinaing ng mga taga industriya.

Sa pamamagitan ni Direk Paul ay makakakuha umano ito ng audience with the president with all the stakeholders’ heads and representatives mula sa iba’t ibang guilds or organizataions.

Isa umano sa mga suhestiyon ni Direk Paul ay ang pagbuo ng National Film Commission (NFC) and under this umbrella ay nasa ilalim  ang iba’t ibang guilds o ahensiya ng industriya.  Isa sa mga pangulan na lumulutang to head the NFC ay ang actress at dating politician na si Vilma Santos-Recto.

Napag-alaman din namin na hindi na umano aktibo ang Film Piracy Board pero patuloy umano itong nakakatanggap ng share mula sa MMFF.

Ang ilang mga major concerns ng industriya ay kasama sa mga ilalatag sa sama-sama nilang pagharap sa Pangulo ng Pilipinas though Direk Paul.

Kasama na rin kaya rito ang pagkawala ng pondo ng ibang guilds na dapat i-audit kung saan napunta?

Alden pinaka-busy pa rin sa GMA

WALANG alinlangan na ang Kapuso prized singer, actor-host, celebrity endorser  at entrepreneur na si Alden Richards ay isa pa rin sa pinaka-busy among GMA talents.

Matapos mag-host last month na 2023 Miss Universe Philippines ay haharapin naman ng singer-actor-host ang pagiging host ng kakaibang talent competition an “Battle of the Judges” kung saan ang mga tatayong ay ang King of Talk na si Boy Abunda, ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, ang singer, actor-comedian na si Jose Manalo at ang Senior Vice Presdent ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Tapos na rin gawin ni Alden ang first team-up nila ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa “Five Break-ups and A Romance” na pinamahalaan ni Irene Villamor at ang upcoming movie niya with Megastar Sharon Cuneta under Cineko Productions na pamamahalaan ni Nuel Naval mula sa panulat ni Mel del Rosario.

Magmula nang mabuwag ang phenomenal team-up nila ni Maine Mendoza na nabuo sa bakuran ng “Eat Bulaga” nung July 2015, hanggang ngayon ay nananatili pa ring un-attached ang bachelor singer, actor, host at celebrity endorser habang ang kanyang dating ka-loveteam na si Maine ay nakatakda nang ikasal sa fiancé nitong actor-producer at kongresista ng unang distrito ng Quezon City na si Arjo Atayde sa loob ng taong ito.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE