Lolit Larawan: Lolit Solis/IG

Lolit Solis di ramdan ang 2024

January 17, 2024 People's Tonight 123 views

HINDI umano ramdam ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang bagong taon matapos ang iba’t- ibang balita tungkol sa hiwalayan ng showbiz couples.

Sa kanyang Instagram post, Enero 16, sinabi niyang parang buhos umano ng tubig na malamig ang mga isyung naglipana sa social media.

Aniya, “Ewan ko Salve pero siguro nga dahil sa mga nangyayari sa paligid, parang mabagal ang takbo ng buhay. Iyon sana vibrant new year air dahil bago ang taon parang hindi natin nadama.

Nandiyan mga pangyayari na naghatid lungkot sa atin lahat. Parang buhos ng malamig na tubig ang mga events na nangyari kaya medyo naging sad ang paligid.”

Dagdag pa ni Manay Lolit, ang break ups gaya ng KathNiel, Sarah at Richard, Mavy at Kyline ay iilan lamang sa hudyat na malungkot ang buhay sa showbiz industry.

Aniya, “Kahit iyon mga break up ng matagal ng magka relasyon parang shocking sa lahat. Imagine mo na ang sarap makita that they will end up sa altar pero hindi nangyari kaya naman may sadness na nadama ang mga taga showbiz pati na ang mga fans nila.”

“So sad na para bang hudyat ng lungkot na madarama ng mga taga showbiz. Sayang na sayang talaga…” saad pa ng columnist.

AUTHOR PROFILE