Lolit

LOLIT, IN DENIAL SA PAGPANAW NG KAPWA TALENT MANAGER/SHOWBIZ COLUMNIST

September 11, 2023 Vinia Vivar 240 views

Hindi napigilang maging sentimental ng veteran entertainment columnist and talent manager na si Lolit Solis sa pagpanaw ng colleague na si Manay Ethel Ramos.

Halos magkasabayan sina Manay Ethel at ‘Nay Lolit sa pagsusulat at pareho silang itinuturing na haligi sa entertainment writing.

Sa Instagram, nagbigay ng pagpupugay si ‘Nay Lolit sa nirerespetong kasamahan sa industriya.

“Isa na naman sa mga haligi ng showbiz writers ang nawala today, si Ethel Ramos. Kasama na siya ni Ricky Lo at sure ako paramihan sila ng scoops na balita.

“So sad na sa mga ganitong pagkakataon nawawala ang mga itinuturing natin institution sa pagsusulat.

“Mabuti na lang at nadalaw pa ni Bong Revilla at Andeng si Ethel bago ito nagpa alam sa mundo,” pahayag ni Nay Lolit.

Aniya pa, kahit hindi sila naging ganu’n ka-close ni Manay Ethel ay malaking karangalan sa kanya na nakilala ito.

“Showbiz will never be the same again. Kahit pa nga hindi kami ganuon kalapit kay Ethel Ramos itinuturing namin isang malaking karangalan nakilala namin siya. Siya ang itinuturing na Dean ng mga showbiz writers na parang nanay nila dahil sa tagal niya sa showbiz at sa dami ng kanyang koneksiyon.

“Sa laki ng paggalang at pagmamahal sa kanya sure ako na marami ang magdarasal para kay Ethel Ramos,” ani ‘Nay Lolit.

“Rest in peace, at nawa hanggang saan man patuloy kang maging payapa. We will meet again, dear Ethel. Amen,” mensahe ni ‘Nay Lolit para kay Manay Ethel.

Maya-maya ay muling nag-post ang veteran writer/talent manager at aniya ay in denial pa rin siya sa balitang wala na si Manay Ethel.

“Siguro dahil hindi parin nagsi sink in sa akin iyon death ni Ethel Ramos kaya parang in denial ako na ang dami na pala natin mga kaibigan ang nauna sa atin umalis sa mundong ito.

“Shock tayong lahat sa naganap kay Ricky Lo. Iyon pagkawala ni Mario Dumaual. Talagang kahit alam natin na lahat tayo duon papunta, hindi parin natin matanggap,” ani Nay Lolit.

“Para lang isang masamang panaginip ang lahat. Para bang hindi tutoo ang mga nangyayari. Ganito nga siguro ang effect pag nabigla ka sa isang balita. Malaking balita ang pagkamatay ni Ethel Ramos. Isa siyang icon sa showbiz kaya mahirap tanggapin na wala na siya. Rest in peace Ethel. We will always pray for you. Amen,” pahayag pa ni Nay Lolit.

Pumanaw si Manay Ethel, ang tinaguriang Dean of Philippine Entertainment Journalism, noong Linggo, September 10, 5:38 p.m., sa edad na 87.

Ang aming taus-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Manay Ethel.

AUTHOR PROFILE