Bea game lumantak ng kwek-kwek, fishball
ENJOY na enjoy ang award-winning actress na si Bea Alonzo sa pagkain ng kwek-kwek at fishball na kilalang mga street food sa Pilipinas.
Sa kanyang Instagram page nitong Linggo, Setyembre 10, ibinahagi ng aktres ang ilang mga larawan kung saan game na game siyang kumakain ng mga tusok-tusok habang nasa break time sa set ng upcoming GMA TV series na “Love Before Sunrise”.
“Huli ka!! Fish ball and kwek-kwek break while on the set of Love Before Sunrise,” pahayag ni Bea sa caption ng kanyang post.
Hindi naman niya nakalimutang banggitin ang kanyang fiancé at aktor na si Dominic Roque at isiniwalat na paborito nito ang kanyang mga kinakain na street foods.
“Kakamiss! Favorite mo hun oh @dominicroque,” wika ng aktres.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na mapa-comment sa post ni Bea. Sey pa nga ng ilan na napaka-humble at walang arte ang aktres sa pagkain niya ng kwek-kwek at fishball.
“Napaka humble na babae!”
“Grabe ang simple mo.”
“Yan ang idol ko walang kaarte arte sa katawan, so simple, and a very down to earth person. Love you Bei.”
“Yan ang kween walang kaarte arte at napaka humble! very down to earth.”
“real BEAuty shines in simplicity.”
“Kumakain din naman ako ng fishball at kwekwek sa daan pero hindi ganyan kaganda.”
“Sobrang humble at simple talaga ni Ms Bea.”