Kim

Bonggang resthouse sa Tagaytay, ibinida ni Kim

September 11, 2023 Vinia Vivar 225 views

Tinupad ni Kim Chiu ang pangako sa fans na house tour vlog ng nabili niyang bonggang resthouse sa Tagaytay.

Nag-promise kasi si Kim sa fans na kapag umabot na sa three million ang kanyang subcribers sa YouTube ay itu-tour niya ang mga ito sa kanyang resthouse via a vlog.

Kim has just hit 3M subscribers on YT kaya bilang pasasalamat ay naglabas siya agad ng house tour vlog sa kanyang channel.

Sa vlog ay ikinuwento ni Kim kung paano niya na-acquire ang nasabing bahay.

“Nakuha ko ‘tong bahay na ‘to nu’ng pandemic kasi parang na-realize ko, ang iksi ng buhay natin. Nu’ng nagkaroon ng COVID, parang ang dami kong naiisip para sa sarili ko, para sa pamilya ko and para sa future ko kung anuman ang mangyayari sa akin,” sey niya.

Aniya, talaga raw isa sa dreams niya ay magkaroon ng resthouse.

“Naisip ko na para saan pa’t nagtatrabaho ako kung hindi ko rin naman kukunin ‘yung pangarap ko. Sabi nga ng friend ko, never underestimate the power of your dreams.

“So, isa ‘to sa mga dreams ko na magkaroon ng dream house and minanifest ko talaga nang bonggang bongga and ayan, finally it’s already here! It became a reality,” she said.

“Pahingahan, unique na lugar, sa lugar na malayo sa siyudad,” pagde-describe pa ni Kim sa nabiling property.

Ang nasabing resthouse raw ang kanyang recharging place. Na kapag sobrang napapagod na siya sa trabaho ay doon lang siya pumupunta para magpahinga at mag-recharge.

Payo niya sa netizens, huwag tumigil mangarap dahil hindi talaga imposible na matupad ang mga pangarap basta’t pagtrabahuhan lang ito.

“Basta mangarap ka lang ng mangarap. Hindi naman instant ‘yung pangarap, eh. It takes years. Years of hard work, years of mga failures, mga ganu’ng bagay. So, parang achievement na rin ‘yun kapag naabot mo ang isa sa mga dreams mo,” wika ni Kim.

AUTHOR PROFILE