Aga sa pumanaw na talent manager: Habambuhay ka sa puso ko
Madamdamin ang naging pagpupugay at pamamaalam ni Aga Muhlach para sa long-time manager at tinaguriang Dean of Philippine Entertainment Journalism na si Manay Ethel Ramos, who passed away last September 10 at age 87.
Manay Ethel has been Aga’s manager for 30 years kaya naman masakit na masakit para sa aktor ang pagpanaw ng itinuturing niyang nanay-nanayan sa showbiz.
“Rest and go in peace my dearest ‘ta Ethel. Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few We all shared together and we just loved and embraced each other,” ang simula ng tribute ni Aga for Manay Ethel sa Instagram.
“I will miss you. I am forever grateful to you and what you’ve done for me. We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo dadating diyan. So much more to say but I’ll just leave it at this,” he went on.
Ayon pa sa aktor, marami pa siyang nais sabihin sa kanyang ina-inahan na napakaraming naituro sa kanya.
Sa huli ay sinabi niyang huwag nang mag-alala ang manager sa kanya at malalampasan niya rin ang pain of losing her.
“Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko. Pls pray for us na naiiwan pa dito. Rest in eternal peace dearest tita Ethel.
“I love you very much. Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll be just fine. Hurt, sad but kaya ‘to. Again, rest in peace. You are with our creator now. Your son, Aga,” pagtatapos ni Aga.
Bukod kay Aga, naging manager din si Manay Ethel nina Claudine Barretto at Inah Raymundo. Siya rin ang nagsilbing PR lady ng malalaking pangalan sa showbiz, kabilang na sina Senator Bong Revilla, ang namayapang si Donna Villa ng Golden Lions Productions, ABS-CBN, Star Cinema, atbp.
Samantala, ang mga labi ni Manay Ethel ay nakahimlay sa Room 301 ng Nacional Chapels and Crematory (dating Funeraria Nacional) sa Araneta Avenue, Quezon City hanggang Wednesday, Sept. 13.
Friends and family who wish to pay their last respects may do so beginning 2 p.m. Daily mass is at 6 p.m. Cremation has been scheduled 12 noon on Thursday, Sept. 14.