Liza

Liza presenter sa Anime Awards sa Tokyo

March 3, 2024 Eugene E. Asis 116 views

Liza1MULING nagsabog ng ganda at ningning ang ngayo’y Filipina Hollywood actress na si Liza Soberano. Sa pagkakataong ito, sa 2024 Crunchyroll Anime Awards sa Tokyo, Japan noong Sabado ng gabi.

Ang “Lisa Frankenstein” actress ay nagsilbing presenter ng Best Anime Song sa naturang event.

Aniya sa kanyang Instagram post, “Congratulations to all of the winners of the Anime Awards 2024, and thank you so much to Crunchyroll for having me!”
“Can’t wait to be back in Japan,” dagdag pa niya.

Tulad ng dati, simple pero napaka-eleganteng tingnan ni Liza sa kanyang orange sequined dress ng designer na si David Koma.

Noong isang buwan, napansin din ang kagandahan niya sa Screen Actors Guild Awards sa Amerika kung saan nagkaroon pa siya ng sariling GLAMbot moment (slow motion shot).

AUTHOR PROFILE