TVJ

Live episodes sa TV at movie shoots, itinigil

January 10, 2022 People's Tonight 388 views

PAHINGA muna sa fresh episodes ang Eat Bulaga ngayong tumataas ang kaso ng COVID-19.

Binibigyang-twist nila ang bawat ipinalalabas na rewind episodes at sa tuwina ay may paalala sila sa mga manonood na mag-ingat.

Wala pang Internet ang bansa nang magsimula ang Bulaga.

Nabago ang buhay telebisyon ng mga host lalo na ang Tito, Vic and Joey nang sumabay sila sa modern technology.

Tumigil ang mundo ng live episodes sa TV dahil sa pagtaas muli ng mga naaapektuhan ng coronavirus.

Tanging ang mga taped show na lang ang isinasalang sa telebisyon.

Wala rin kaming nababalitaang movies na nagsimula nang mag-shooting.

Eh, dahil walang choice, lalo ang mga taga-Metro Manila, nagtitiis na lang ang lahat sa mga lumang movie at replay na series sa TV.

Sa social media na lang ang updates sa mga nangyayari sa celebrities at iba pa.

PAMILYA, UNANG INALALA NI CONG. ALFRED

MAS unang inalala ni Congressman Afred Vargas ang pamilya nang mag-positive siya sa COVID-19.

Sa latest tweet ni Cong. Vargas kahapon, “When you’re covid positive, everything worries you. You’re breathing, throat, condition, cough, everything, etc.

“I fear for my family the most. We, positive ones will always say, ‘Lord, ok lang kahit ako na lang magkacovid, huwag lang sila, please.’

“Amen. God is good. God is great.”

Eh, kahit may virus, tuloy pa rin sa serbisyo si Cong. Alfred bilang kongresista, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE