Pokwang2

Lee, dedma sa pasaring ni Pokwang

June 18, 2023 Ian F. Fariñas 232 views

KAKAIBA naman ang naging pagbati ni Pokwang sa Araw ng mga Ama sa kanyang IG Story.

Bilang hiwalay na sa Amerikanong si Lee O’Brian, ama ng anak niyang si Malia at kasasampa lang ng petisyon para sa deportation nito, understandable na may kahalong pasaring ang greeting ng komedyana.

Sey ni Pokey, “Happy father’s day sa mga karapat-dapat at ulirang ama! sa mga hindi edi nganga! at sa nanay na tumatayong tatay mabuhay kayo.”

Tila dedma naman si Lee sa pasaring ni Pokey dahil sa socmed post nito ng picture ni Malia kasama ang kanyang lolo ay sinabi lang niya na, “Happy Father’s Day to all the Fathers — whether biological, adoptive, situational or spiritual — for guiding the way!

“Special shout out to my own father who is one of the best in the business of fatherhood.. And to my amazing daughter — who’s made me a proud dada from the moment she arrived!!”

AUTHOR PROFILE