Aga1

Aga, masaya sa pag-uwi ni Andres

June 18, 2023 Ian F. Fariñas 365 views

Sadyang masaya naman ang Father’s Day celebration ni Aga Muhlach dahil kumpleto ang Muhlach family ngayon.

Ibinida niya sa IG ang pag-uwi ng anak na si Andres mula sa Spain kung saan ito kumukuha ng Arts degree sa isang university doon.

Ang kakambal naman ni Andres na si Atasha ay nasa huling taon na ng kinukuhang Business program sa Nottingham, United Kingdom.

Ani Aga sa IG, “SUPER HAPPY to spend Father’s Day na complete kaming lahat! Welcome back, Andres! Get ready for some 1v1, anak!”

May bagets energy daw siya kaya tingnan na lang ni Andres kung kakayanin niyang sumabay sa Papa niya.

“To all my Dad Buds, happy Father’s Day to us!” pagbati pa ni Aga.

Pinusuan ito ng misis niyang si Charlene Gonzalez.

AUTHOR PROFILE