Joey

Ang tama lima, ang mali sila?! — Joey de Leon

June 18, 2023 Ian F. Fariñas 291 views

Habang papalapit ang pagbabalik ng Tito, Vic and Joey sa telebisyon sa Hulyo, halos araw-araw may iniiwang mensahe ang Henyo Master sa netizens.

Gaya na lamang ng cryptic post niya sa socmed na, “Noon, ang sabi ko sa ‘Wow, Mali!,’ ANG TAMA NAKAKATUWA, ANG MALI NAKAKATAWA. Ngayon at malapit na, sa ‘Wow, LIMA!,’ ANG TAMA LIMA, ANG MALI SILA! ?? Smile” ani Joey sa caption ng IG post niya.

“Word G-E-N-I-U-S,” komento ng isang netizen.

Sambit naman ng isa pa, “Ang brainy mo talaga master. we are waiting for your comeback Dabarkads.”

AUTHOR PROFILE