Inton

LCSP: Land transport dapat manatiling ‘public utility”

December 17, 2021 Jun I. Legaspi 349 views

UMAASA ang commuter at transport groups na mananatiling sa category “public utility” ang “land transport.”

Ito ang hiling ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection LCSP at mga allies transport, matapos ipasa ng Senate sa 3rd reading ang Senate Bill 2994 o Public Service Act.

Ayon kay Inton sa pagkakapasa sa 3rd reading ng kontrobersyal na batas na ito,ilang mahahalagang industriya ng bansa ay maaaring makontrol ng mga dayuhang negosyante.

“Simple ang naging diskarte ng lehistratura ng Senado – amyendahan Public Service Act at magkaroon ito ng epekto sa Constitutional ownership restrictions na 60-40 pabor sa mga Pinoy sa mga telcos, broadcast, transport at iba pa na sa mahabang panahon ay itinuring nga na public utilities,” saad ni Inton.

Sa SB 2094 ay tanging distribution at transmission of electricity at water pipelines distribution at sewerage system ang public utilities at protektado ng 60 – 40 ownership requirement, samantalang ang telcos, broadcast at iba pa ay tatawaging “public service”.

At dahil public service na sila ay hindi na pasok sa 60-40 ownership kaya pwede na maging 100 percent foreign owned.

Halimbawa ay telco o broadcast business pwede na pagaari ng dayuhan.

Ang LCSP, at ilang transport groups ay tumutol na hindi panatilihin na public utility and transport dahil ang paniwala namin ay maraming maapektuhan na maliliit na operators at drivers kung papasukin nga ang sektor ng mga banyagang negosyante sa 100 per cent ownership, saad ni Inton.

Sa pagpasa ng Senate at House version ng panukalang batas ay umaasa ang LCSP na “MANANATILING PUBLIC UTILITY ang LAND TRANSPORT para na rin sa kapakanan ng mga maliliit na negosyanteng Pilipino at mga drivers at empleyado na umaasa ng kanilang kabuhayan sa sektor ng transportasyon.”

AUTHOR PROFILE