Posas

Lalaki nanindak gamit ang sumpak, timbog

April 7, 2024 Edd Reyes 117 views

KALABOSO ang lalaking nagpa-panic ng magpasikat ng sumpak noong Linggo sa Caloocan City.

Nagising ang mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ingay ni alyas Topak habang may hawak na sumpak dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Naabutan ng mga pulis, kasama ang ilang barangay tanod, na palakad-lakad at nagwawala si alyas Topak habang dala ang sumpak kaya dinamba agad siya ng mga otoridad.

Nakumpiska sa suspek ang improvised shotgun na may isang bala.

AUTHOR PROFILE