Default Thumbnail

Lalaki huli sa bouncing check law

February 17, 2024 Steve A. Gosuico 95 views

RIZAL, Nueva Ecija–Arestado ang 49-anyos na lalaki na taga-Antipolo City matapos mabuking na may warrant of arrest para sa four counts ng paglabag sa Batas Pambansa No. 22 (bouncing checks law) noong Biyernes.

Inaresto ang suspek na taga Brgy. Mayamot, Antipolo City kasunod ng tawag sa mga pulis mula sa San Leonardo Rural Bank branch ng Rizal alas-2:20 ng hapon.

Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang accounting supervisor ng rural bank para ma-verify ang tunay na pagkakakilanlan sa suspek matapos subukang gumawa ng kahina-hinalang transaksyon sa bangko sa kanila.

“Nagpapa-check ang suspect sa banko kung may pera daw siyang dumating dahil gusto daw niyang mag-withdraw,” sabi ni Rizal police chief investigator Senior Master Sgt. Gerald Paul Tayug.

Matapos imbitahan ang suspek sa police station ng mga rumespondeng pulis na pinangunahan ni Captain Al V. Guillermo, nadiskubre na may standing arrest warrant ang huli para sa apat na bilang ng paglabag sa BP 22 galing sa Judicial Region Branch 74 ng Taguig City.

AUTHOR PROFILE