Posas

Lalaki huli sa boga, bala

January 22, 2024 Jojo C. Magsombol 101 views

ARESTADO noong Biyernes ang isang lalaki dahil sa baril at mga bala sa Brgy. Poblacion 4, San Jose, Batangas.

Bandang alas-6:00 ng umaga naaresto si alyas Bernard sa Brgy. Poblacion 4, San Jose ng pinagsanib na tauhan ng San Jose police sa pangunguna ni PLt. Alsacia Lorraine dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakumpiska sa kanya ang cal. 45 pistol at pitong bala.

AUTHOR PROFILE