Lacuna FIRST LADY SA BASECO–Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta Marcos (kaliwa) kasama sina Manila Mayor Maria Sheilah Honey Lacuna-Pangan at DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. ang pagdalo sa isinagawang “Lab for All-Laboratoryo” para sa mga residente ng Baseco Compound sa Port Area Manila habang nakikipag ugnayan si MPD Chief Andrei Dizon sa mga magtuturo kung paano magsagip ng buhay ng isang tao. Kuha ni Jon Jon Reyes

LAB for All-Laboratoryo binuksan sa Baseco

July 27, 2023 Jonjon Reyes 548 views

BasecoDUMALO si First Lady Louise Araneta Marcos kasama sina Atty. Benjamin Abalos Jr., secretary ng DILG, Manila Mayor Maria Sheilah Honey Lacuna-Pangan at iba pang opisyal ng gobyerno sa isinagawang medical mission sa ilalim ng “Lab for All-Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat” sa Benigno Aquino National High School, Baseco, Manila.

Dahil dito, tiniyak ng Manila Police District ang seguridad sa pamumuno ni MPD Director Police Brig.Gen.Andre P. Dizon kasama si Police Lt. Col.Rodel Borbe, commander ng Baseco Police Station 13, at iba pang opisyal ng barangay sa Baseco compound sa Port Area Manila.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng Baseco sa isinagawang medical mission dahil bukod sa may libreng konsulta ay may mga natutunan din sila kung paano ang mag salba ng buhay ng tao.

AUTHOR PROFILE