Amy

Amy umalma sa panggagamit ng fake ads

June 23, 2024 Vinia Vivar 508 views

Inalmahan ni Amy Perez ang isang fake ads na ginagamit ang kanyang pangalan at larawan para makapagbenta ng produkto.

Sa Facebook ay nagbigay ng babala ang TV host sa kanyang followers at nagreklamo na ninakaw ang kanyang video.

“WARNING: I DON’T USE OR ENDORSE THIS PRODUCT! NINAKAW ANG VIDEO KO AT GINAGAMIT NILA. MAG INGAT PO TAYO!” ang pahayag ni Tyang Amy.

Ang nakakaloka pa ay nakalagay sa ad na 60 years old na siya kaya isa pa ito sa matigas na itinanggi ni Tyang Amy.

“And HELLO wala pa akong 60 years old. Oh di ba mali?!” aniya.

Ayon sa Wikipedia, 54 years old lamang si Amy.

Marami naman ang nagpayo sa TV host na kasuhan ang mga scammer na ito.

RURU AT BIANCA BAWAL MAG-LIVE-IN

Kung sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang tatanungin, hindi pa nila naiisip sa ngayon ang magsama sa iisang bubong o mag-live-in.

Natanong kasi ito sa celebrity couple sa kanilang panayam sa show ni Boy Abunda.

Ayon kay Bianca, bilang pareho silang miyembro ni Ruru ng Iglesia ni Cristo ay hindi pinapayagan ng kanilang Simbahan ang magsama nang hindi pa kasal at iginagalang nila ito.

“Well, alam naman natin na it will be a phase, pero sa ngayon, especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal. And we honor that,” she said.

“Because, ako rin po, alam ko na I am reserving myself for that person who I know will love me forever and alam kong si Ruru ‘yon. Alam kong darating kami do’n,” dagdag pa ng aktres.

Ruru and Bianca have been in a relationship for six years now at kitang-kita naman kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

AUTHOR PROFILE