Kyline

Kyline may pa-welcome sa Kpop star na si Park Jihoon

September 3, 2023 People's Tonight 422 views

NAGKASAMA ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara at Korean pop star na si Park Jihoon.

Makikita sa Instagram post ni Kyline ang larawan kung saan ay nasa isang dressing room sila at naka-post sa kanilang selfie.

“Welcome to the Philippines, Park Jihoon,” caption ni Kyline.

Magkasama sila Kyline at Jihoon para sa isang event na ‘Korea Travel Fiesta 2023’ na ginanap noong Setyembre 2-3. Tumatayong “Honorary Ambassador for Korea Tourism in the Philippines” naman si Kyline.

Si Jihoon ay isang aktor at singer na naging miyembro ng Kpop group na “Wanna One.”

AUTHOR PROFILE