Lovi, emosyonal ang pagbati sa kaarawan ni Sen. Grace
Ipinahayag ni Lovi Poe sa Instagram ang labis na paghanga sa big sister niyang si Sen. Grace Poe sa kaarawan nito ngayong Linggo.
Inilarawan niya ang kapatid bilang “someone worth emulating.”
Nag-post si Lovi ng larawan ni Sen. Grace nang dumalo ito sa kasal nila ni Monty Blencowe sa London at aniya sa caption, “She has always been someone worth emulating. She’s not named Grace for nothing, and I can’t believe that that someone is my sister.”
In her next post ay larawan naman nila ni Sen. Grace na emosyonal na magkayakap na kuha pa rin sa kanyang wedding day. Sa caption ay binati niya ang kapatid.
“Today, I celebrate the day you were born. I could only wish to even be half as loving and as graceful as you are,” Lovi wrote.
This just goes to prove na talagang close silang magkapatid taliwas sa akala ng iba na hindi sila magkasundo since hindi sila magkasamang lumaki bukod pa nga sa malaki ang age gap nila.
The fact na dumayo pa si Sen. Grace sa UK para dumalo sa kanyang kasal, ibig lang sabihin nito ay mahal siya ng kapatid.
Sey nga ni Sen. Grace sa kanyang speech sa wedding, mas matanda lang nang kaunti si Lovi sa panganay niyang anak na si Brian Llamanzares kaya hindi lang kapatid ang turing niya rito kundi parang anak niya rin.
Samantala, nasa Manila na ulit si Lovi at sumabak agad sa trabaho pagdating niya base na rin sa kanyang latest Instagram Story.
Birong komento ng mister niyang si Monty, nai-enjoy nila ang kanilang honeymoon sabay lagay ng laughing emoji.