Ivana Larawan mula sa Facebook/Ivana Alawi

Ivana Alawi dinayo ang ‘viral bakod’ na siya lang ang pwede umihi

September 3, 2023 People's Tonight 731 views

NAPAIHI at binisita pa nga ng model-actress at Youtuber na si Ivana Alawi ang nag-viral na bakod na may nakasulat na “Bawal umihi dito! Pero si Ivana Alawi pwede!” na matatagpuan sa Pandi, Bulacan.

Sa mini vlog na ibinahagi ni Ivana sa kanyang Facebook page nitong Sabado, Setyembre 2, mapapanood ang masayang pagkikita ng vlogger at ang taong nasa likod ng ‘viral bakod’ na si Armando.

Ayon kay Armando dalawang taon na noong sinulat niya iyon sa nag-trending na bakod. Pahayag pa niya na ang dahilan kung bakit niya inilagay ang ngalan ni Ivana ay upang maging kakaiba at magpapansin sa internet personality.

Biro pa nga niya nang magtanong si Ivana kung wala pa ba talagang nakakaihi sa bakod ay maging ang asawa niya umano ay pinigilan niyang makaihi roon at “exclusive” lamang para sa vlogger.

Kumasa naman si Ivana sa challenge ng netizens at nagdala pa nga ng portable CR upang makaihi sa tabi ng bakod.

Sinorpresa rin ni Ivana si Armando ng P50,000 bilang pasasalamat sa pagpapasaya sa dalaga at sa netizens.

AUTHOR PROFILE