
Kristel at South Korean fiance ikakasal na
MUKHANG sa taon ding ito nakatakdang magpakasal ang dating “Goin’ Bulilit” graduate-turned actress at content creator na si Kristel Fulgar sa kanyang first official boyfriend, ang South Korean national na si Ha Su-hyuk na sinagot lamang niyang maging kasintahan nung nakaraang November 2024 matapos itong magpa-convert sa pagiging isang miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang relihiyon ng actress at ng kanyang pamilya.
Sobrang mahal ni Ha Su-hyuk si Kristel kaya pati ang pag-embrace sa ibang relihiyon nito ay kanyang ginawa just to prove to her and her family na gagawin niya ang lahat para maipakita lamang ang tunay niyang pagmamahal sa actress at vlogger.
Last February, the couple got engaged at pinaghahandaan na nila ngayon ang kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib. Katunayan, nag-attend ang engaged couple sa isang wedding fair at nag-check na rin sila sa isang hall kung saan plano nilang doon gawin ang wedding ceremony.
Although hindi pa nagsi-share ang dalawa sa petsa at ibang detalye ng kanilang nalalapit na kasal, it seems na this year mangyayari ang pagpapalitan nila ng `I do’s’.
Si Kristel na Mass Communication graduate sa University of Sto. Tomas ay nag-aral din ng Korean language in South Korea matapos niyang lumagda ng management contract with Five Stones Entertainment in South Korea where she’s trying her luck bilang singer-actress.
Ang actress ay isa rin sa maraming nagmula sa popular kiddle gag show na “Goin’ Bulilit” na siya ring pinagmulan ng maraming stars ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano at iba pa.
Ji Soo second home na ang Pilipinas
SA Pilipinas kaya mag-celebrate ng kanyang ika-32nd birthday ang South Korean actor na si Kim Ji-soo or just Ji Soo to his fans?
Come March 30 ay 32nd birthday ng Korean actor na kinu-consider nang second home ang Pilipinas matapos siyang nag-sign-up with Universal Records and Sparkle GMA Artist Center nung isang taon.
First project bale ni Ji Soo ang pagiging bahagi niya ng dalawang nagtapos na series ng GMA, ang “Abot-Kamay na Pangarap” at “Black Rider” at nakagawa rin siya ng isang pelikula, ang “Mujigae”.
Bukod kay Ji Soo, ang isa pang South Korean singer-actor na lumagda sa Universal Records at sa GLXY Talent Management ay si Choi-Bo-min na kamakailan lamang dumating sa Pilipinas at excited sa kanyang gagawin projects in the Philippines.
Dahil malamig ngayon sa South Korean, nag-enjoy si Choi Bo-min sa kanyang stay sa Pilipinas dahil nakapag-swimming siya at nakasubok din siya ng ilang Filipino foods.
Gusto rin niyang maka-collaborate ang singer-actor na si Sam Concepcion dahil na-impress umano siya sa kakaibang style ng Filipino singer-actor at dancer.
Mga South Korean na na-in love sa Pilipinas
SAMANTALA, si Sandara Park o just Dara Park ay unang nakilala sa Pilipinas bago ito nag-move sa South Korea to be part of the K-Pop group na 2NE1 na kamakailan lamang nagkaroon ng sold-out reunion concert sa Pilipinas.
Dahil din sa sobrang pagmamahal ni Dara sa Pilipinas, pabalik-balik ito sa bansa at isinasama din niya ang ilan niyang Korean friends para magbakasyon sa Pilipinas.
Ang dalawa pang nakilala (sa Pilipinas) na South Korean national ay ang “It’s Showtime” mainstay na si Ryan Bang na isang actor-comedian-host at entrepreneur at si Grace Lee na isa ring mahusay na TV host/personality-entrepreneur na naging kasintahan ng yumaong dating Presidente na si Noynoy Aquino and now married to a Filipino-Chinese national, ang businessman na si Alex Tiu. The couple got married in a wedding ceremony in South Korea nung nakaraang October 25, 2024.
Anak nina Zanjoe at Ria ayaw pa ring ipakita ang mukha
PAREHONG naging domesticated ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde nang magkaroon sila ng anak (boy) na hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang ipakita sa publiko ang mukha.
Kapag walang trabaho or commitment ang mag-asawa, they make it a point na nakatutok sila sa pag-aalaga sa kanilang baby boy na sinasabing napaka-tisoy ng features.
Sa part ni Zanjoe, mas lalo itong ginanahang magtrabaho ngayong may sarili na siyang pamilya na kailangang suportahan.
It’s the former model and ex-PBB: Celebrity Edition housemate-turned actor’s decision na huwag (munang) i-share sa publiko ang pagkakakilanlan ng kanilang anak na nirerespeto naman ng kanilang respective families ni Ria maging ng kanilang mga kaibigan.
Kahit sa binyag ng bata kung saan tumayong mga ninong at ninang ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza, Kathryn Bernardo, Enchong Dee at iba pa ay wala ring litrato na kuha sa baptism ang lumabas kung saan kita ang mukha ng bata.
Ang mag-asawaang Zanjoe at Ria ay barkada ni Kathryn at dating nobyo nitong si Daniel Padilla. Nagtanong tuloy ang iba kung bakit hindi tumayong ninong si Daniel?
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.