Default Thumbnail

Korean natagpuang nakabigti

February 23, 2024 Jonjon Reyes 88 views

ISANG 49-anyos na Korean national ang nadiskubreng nakabigti sa kanyang condo unit sa Adriatico St., Malate Manila noong Huwebes at pinaniniwalaang ilang araw nang patay.

Ayon sa report, huling nakitang buhay si Park Jae Eluing noong Peb.14.

Sa report ni Det. John Teddy Siguen kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:03 ng hapon ng madiskubreng patay ang Koreano.

Nadiskubre ang bangkay dahil sa nakakasulasok na amoy mula sa kanyang unit.

AUTHOR PROFILE