Rape MABIGAT KASO MO BOY–Binabasahan ng kanyang karapatan ang truck driver na si alyas Elwood na nahaharap sa anim na bilang ng rape matapos matimbog sa tinutuluyang bahay.

Kelot tiklo sa 6 counts ng panghahalay

February 23, 2024 Edd Reyes 125 views

NADAKMA ng pulisya ang truck driver sa kanyang bahay noong Biyernes sa Taguig City na hina-hunting dahil anim na beses nanghalay sa Batangas.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, natunton ng pulisya si alyas Elwood, 29, sa Brgy. Central Bicutan dakong alas-7:35 ng umaga.

Hindi na nakapalag si Elwood nang isilbi ng pulisya sa kanya ang anim na warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mary Jane B. Valeza-Maranan ng Fourth Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 5 ng Lemery Batangas na may kaugnayan sa 6 counts ng paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

Ayon sa pulisya, bagama’t sa Batangas gumawa ng sunod-sunod na panghahalay ang akusado, sa Taguig City pa rin siya nanatili bilang residente ng lungsod.

AUTHOR PROFILE