Guess

Klosetang actor-turned-businessman may kakaibang milagro sa out-of-town shows

April 22, 2024 Jun Nardo 61 views

IBA pala ang gimik ng isang actor-turned-businessman na puwede sa boy at puwede sa girl lalo na’t nagkaroon siya ng anak sa isang prominenteng babae sa mundo ng pulitika.

Tuwing may out of town event ang aktor na sinasamahan niya sa grupong may advocacies, sa province na pinupuntahan niya gumagawa ng milagro ang aktor dahil nailalabas niya ang kalandian sa lalaki.

Eh, dahil solo ang room ng aktor na request niya sa organizer, saka siya nagpapatawag ng lalaki.

Ang ginagawa ng klosetang aktor, nagbibihis siya na parang cook. Naka-apron siya pero wala siyang underwear, huh!

Pero minsang nasa event siya sa probinsiya, ready na ang aktor sa kanyang outfit na madaling hubarin. May kumatok sa pinto. Akala ng aktor, boylet na niy ‘yun! Kaya, kuntodo costume na siya.

Kaso, nang buksan ng aktor ang pinto, ’yung organizers pala at nakita siyang nakasuot ng apron na halos aninag na ang maselang bahagi ng kanyang katawan, huh!

Agad tumalikod si aktor at nag-excuse para magbihis nang maayos.

AUTHOR PROFILE