Kiray Larawan mula sa Instagram/@kiraycelis

Kiray nalula sa P500K bayarin ng sasakyan

September 13, 2023 People's Tonight 397 views

NALULA ang actress-comedienne at entrepreneur na si Kiray Celis matapos malaman ang halaga ng kanyang babayarang bill para sa pagpapaganda ng kanyang kotse na pinangalanan pa niyang “Primo.”

Sa kanyang Instagram page nitong Martes, Setyembre 12, ibinahagi ng actress-comedienne ang ‘upgraded version’ ni Primo.

Para magmukha umanong “pogi” si Primo, nagdagdag ng mga bagong features si Kiray para rito, maging ang bumper at mga gulong ay upgraded na rin base sa kanya.

Sa simula ng video ay makikita ang aktres na nasa cashier habang sinasabing, “Magkano yung babayaran? P500,000…P500,000 ang bill natin sa Autobot.”

Inamin ni Kiray na nagulat siya sa naging presyo ng pagpapaganda ng kanyang sasakyan.

“Nalula ako sa presyo ng set up ng sasakyan ko! Paki-pyansahan nalang po ako sa @autobotoffroadph! HAHAHAHA,” pahayag ni Kiray sa caption ng kanyang post.

Napa-sana all na lang sa comment section ang ilang netizens sa nagastos ni Kiray para sa kanyang kotse na si Primo.

AUTHOR PROFILE