Stell

Stell pinaka ‘naughty, chickboy’ sa SB19

September 13, 2023 People's Tonight 275 views

BINULGAR ng P-pop idol at member ng Filipino boy band SB19 na si Stell kung sino ang pinaka naughty at chickboy sa kanilang grupo. Sagot niya? Siya mismo.

Sa isang episode ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, tinanong ng host si Stell sa fast talk ng, “sa SB19 sinong pinaka naughty?”

“I would say, ako po.” pag-amin ni Stell sa tanong.

Muli siyang tinanong ni Tito Boy, “Sino ang pinaka chickboy?”

“Hmmm… ako na rin.” pagbubuking ng main vocalist ng SB19.

Inamin din niyang sa lahat ng miyembro ng kanilang grupo, ang pinaka habulin ng babae ay ang youngest member nilang si Justin.

Nang tanungin naman kung sino nang taken sa kanila, sagot ni Stell ay siya pa rin.

“Ako po… ng A’TIN,” ani Stell na sariling fandom ng kanilang grupo ang sinagot.

Sa parehong segment, sinabi pa ni Stell na ang kanyang hidden talent ay pag-arte at siya rin daw umano ang pinaka mapagmahal sa SB19.

Nabuo ang grupong SB19 noong 2016 at nag-debut naman sila noong Oktubre 2018 kasama ang kanilang single na “Tilaluha”. Kasama ni Stell sa P-pop boy band na ito sina Pablo, Josh, Ken, at Justin.

AUTHOR PROFILE