Alessandra Larawan mula sa Instagram/@msderrosi

Alessandra ‘nag-sorry’ sa netizen na napangitan sa movie niya

September 13, 2023 People's Tonight 287 views

TOP 1 movie ngayon sa streaming platform na Netflix sa Pilipinas ang pinaka bagong movie ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi kung saan pinagbibidahan niya ang pelikula kasama si JM de Guzman. Ang pelikulang ito ay ang “What If” sa direksyon ni Manny Palo.

Marami ang nagustuhan ang pelikula kabilang na ang mga post sa X (Twitter) na ni-repost ng aktres. Gayunpaman, mayroon ding nagsabing panget ang pelikulang ito ni Alessandra.

“What If pinakapanget na movie ni @msderossi Sorry I like you Alex but this is such a snoozefest. Maganda location pero wala chemistry, pakapanget ng storyline,” hirit ng netizen na may X username na @jean_jarvi.

Nakuha ang atensyon ng aktres ng nasabing post at ni-repost pa nga ni Alessandra ang post ng netizen at humingi ng sorry.

“Patawarin mo ako? Sorry na. Tulog na.” sagot ng aktres.

Pinagtanggol naman ng ilang netizens ang nasabing pelikula ni Alessandra at sinabing hindi naman daw ito pangit at kanila pa ngang nagustuhan.

“Nako pag walang mukha sa social media wag na pinapansin. My mom liked the movie very realistic daw yung take sa married couples,” sey ni user @istrobree.

“It’s a good movie, napanood namin ng wife ko. Maraming makaka relate na mga mag asawa,” komento naman ni user @lyzliam.

“It’s the reality of marriage for me, saka happy lang ako kasi buhay ka sa ending @msderossi,” pahayag ni user @0waamerica.

AUTHOR PROFILE