Kim

Kim, secure sa Sisters

June 3, 2023 Ian F. Fariñas 260 views

SECURE. 

Ganyan ang feeling ni Kim Chiu ngayong pormal na siyang kinuha ng Megasoft Hygienic Products, Inc. ni Aileen Choi-Go bilang ambassador ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.

Sa katatapos na mediacon at endorsement launch, sinabi ni Kim na matagal na silang magkaibigan ni Aileen at talagang sinu-supply-an siya nito ng kanyang sanitary pads buwan-buwan.

Supportive rin daw si Aileen sa bawat undertaking ni Kim, tulad na lang nu’ng kasagsagan ng pandemya kung saan madalas siyang namamahagi ng mga pangangailangan sa less fortunate na mga kababayan.

“Ako naman, since pinagdadaanan nga natin ito monthly, magaslaw talaga ako na tao, and then magalaw and then I love dancing, I love working out and then with Sisters, secured ang nararamdaman ko, lalo na ‘pag natutulog, mas free na akong gumalaw kahit saan ako pumunta dahil alam kong secured ako with Sisters,” pagbabahagi ng It’s Showtime host tungkol sa kanyang monthly period.

Lalo namang bumilib kay Kim si Aileen dahil kahit na raw maituturing itong isa sa big stars sa bansa, nananatili pa rin itong bubbly, inspiring at down-to-earth.

Perfect, ’ika nga, bilang endorser ng Sisters.

AUTHOR PROFILE