Vivamax1

Viva One, itinatag; Vivamax, namamayagpag sa 7 million subscribers

June 3, 2023 Ian F. Fariñas 491 views

Tuluy-tuloy ang Viva sa paghahatid ng de-kalidad na mga materyal sa pamamagitan ng streaming platform.

‘Yan ang siniguro ng magkapatid na Valerie at Vincent del Rosario sa katatapos na selebrasyon ng seven million subscribers ng Vivamax.

Noong 2021, ni-launch ang Vivamax na ngayo’y meron nang seven million subscribers at namamayagpag bilang numero unong local OTT service sa bansa.

Sa loob lamang ng walong buwan, umabot na sa 1 million ang subscribers nito noong October.

Pagpasok ng January 2022, umakyat ito sa 2 million subscribers. Bago matapos ang 2022, tumaas pa ito sa five million at nito ngang Mayo, eh, naabot na nito ang seven million mark.

Sa ngayon, merong 408 movies ang Vivamax at bawat linggo ay may bagong titulong inilalabas para sa 100 bansa at teritoryo sa buong mundo.

Itinatag din ng Viva ang Viva One nitong Pebrero, kung saan mapapanood ang mga pelikulang pampamilya at pambata.

Sa loob lamang ng ilang buwan, humakot na ito ng 500,000 subscribers at malapit nang magkaroon ng sariling app para mas madaling i-download at mag-subscribe.

Sa pagkakaroon ng dalawang streaming app (Vivamax at Viva One), mas tumibay ang pwesto ng Viva sa local video streaming industry.

Ang isa sa pinakabagong mga titulo na ipapalabas sa Viva One ay ang Martyr or Murderer ni Direk Darryl Yap. Nariyan din ang seryeng The Rain in España na pinagbibidahan ng loveteam nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Ang iba pang mga titulo na dapat abangan ay ang Deadly Love nina Jaclyn Jose, Marco Gumabao, McCoy de Leon at Louise delos Reyes at Roadkillers ng MMFF best actress na si Nadine Lustre.

AUTHOR PROFILE