TVJ1

GMA, walang kinampihan — Annette

June 3, 2023 Vinia Vivar 278 views

Nilinaw ng GMA Network senior vice president na si Atty. Annette Gozon-Valdes na walang pinapanigan ang istasyon sa isyung namamagitan ngayon sa Eat Bulaga hosts at sa TAPE, Inc., producer ng longest-running noontime show sa bansa.

Aniya sa interview ng GMA-7, walang control ang network sa mga nangyayari, partikular na nga ang paglisan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) at ng iba pang Dabarkads hosts.

“It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan,” she said.

“Pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin. Kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, it’s an internal issue between TVJ and TAPE, Inc.,” dagdag ng executive.

Itinanggi rin niya ang tsismis na kampi ang GMA-7 sa pamilya Jalosjos, major stockholder ng TAPE, Inc.

“From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito, katulad nga ng sinabi ko, it was their internal issue, it wasn’t a corporate issue,” aniya.

Kasunod nito ay nilinaw din niya ang negosasyon sa pagitan ng GMA-7 at TAPE, Inc. dahil may mga naguguluhan pa rin hinggil sa bagay na ito.

“Ang contract kasi ng GMA is with TAPE, wala kaming contract with TVJ as talent or as kasama ng TAPE. Ang contract na ito ay isang blocktime agreement. Ang ibig sabihin nito ay parang umuupa sila ng noontime slot sa atin, sa GMA,” paliwanag ni Atty. Anette.

Wala raw bad blood between GMA and TAPE, Inc pati na rin sa TVJ at sa iba pang Dabarkadas na umalis.

In fact, bukas daw ang pintuan ng network para sa mga host at may show pa nga sina Bossing Vic at Jose Manalo sa Kapuso.

“I fervently believe that it won’t change because iba naman ang GMA, iba naman ang TAPE. Labas ang GMA sa issues nila with TAPE. Hindi naman sila umalis ng GMA, sa totoo umalis lang sila du’n sa show na pino-produce ng TAPE,” aniya.

Sa ngayon ay naghihintay lang daw sila kung kailan magbabalik sa ere ang Eat Bulaga dahil nasa kontrata ng TAPE, Inc. na kailangan nilang mag-produce ng show sa timeslot na nakalaan para sa kanila.

AUTHOR PROFILE