Kim

Kim, pinaiyak ni Tom Cruise

June 14, 2022 Vinia Vivar 541 views

Finally, after more than two years since the pandemic ay nakapag-movie date na rin ang magdyowang sina Xian Lim at Kim Chiu.

Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram Stories ang movie date nila ni Xian.

Nanood sila ng Hollywood film na Top Gun: Maverick starring Tom Cruise.

Sa larawan ay makikitang pareho silang naka-mask ni Xian habang nasa loob sila ng sinehan.

“First time inside the movie house after 2 years! Grabe TOP GUN really made me cry! Ang GANDA!!! Medyo OA ako pero yeah! Nakakaiyak! Ang galing nila lahat! Tom Cruise is TOM CRUISE!!!” Kim wrote.

In fairness sa KimXi, they always find time for each other at consistent talaga sila sa pagno-nourish ng kanilang relasyon.

KZ, NAGKOMENTO SA HIWALAYANG MOIRA-JASON

MAGING si KZ Tandingan ay nalungkot at nanghinayang sa paghihiwalay ng fellow Cornerstone Entertainment artist na si Moira dela Torre at mister nitong si Jason Hernandez.

Nakausap ng entertainment press si KZ sa grand launch/mediacon ng pinakabagong reality talent search na Top Class: Rise to P-Pop Stardom kamakailan.

Aminado si KZ na na-shock din siya nang malaman ang paghihiwalay nina Moira at Jason.

“Siyempre po sad kami, kasi both naman sila mga kaibigan namin but ’yun lang po. Huwag na po siguro natin sila pag-usapan kasi siyempre, ano naman po nila ’yun, eh. Kumbaga, when we keep on talking about it, that doesn’t help them heal,” pahayag ni KZ.

“But yes po, nalungkot kaming lahat sa nangyari, but let’s just give them time para makapag-isip at maka-cope ’yung friend ko sa mga nangyari,” dagdag niya.

Asked kung nagkausap na ba sila ni Moira, ayon kay KZ, hindi na siya nagtanong pa ng tungkol sa hiwalayan.

“Actually po, hindi ko siya kinukulit about it, eh. I just always tell her na nandito lang ako. Kukumustahin ko siya, ganyan-ganyan.

“For sure, lahat ng tao tinatanong siya about it, so I don’t think it would help her na ’yung mga taong nasa paligid niya ay kutkot nang kutkot ng sugat na gusto na niyang mag-heal, ’di ba?

“Kung ikaw may pinagdaraanan ka, gusto mo na lang mawala muna, kasi, ’di ba, hindi ka na nga makapag-concentrate du’n sa personal matters, du’n sa nangyari, marami pang mga ibang tao na nakikisawsaw at nakikialam, so yun po,” ani KZ.

Samantala, isa si KZ sa mga magiging (vocal) mentor ng 30 contestants na maglalaban-laban para sa titulong ultimate Top Class P-pop Idol.

Ang tatlo pang makakasama niya sa show ay sina Shanti Dope bilang rap mentor at Brian Puspos naman bilang dance mentor.

Sobrang excited ang tinaguriang Asia’s Soul Supreme sa magiging participation niya bilang mentor at sana nga raw ay marami siyang maibabahagi sa mga contestant habang dumaraan sila sa iba’t ibang challenges na ipagagawa sa kanila sa show.

Ipinakilala rin sa naturang grand mediacon ang 30 contestants na sina Dean Villareal, EL Mendoza, Lx Reyes, Justine Castillon, Kim Huat Ng, Harvey Castro, Joshuel Fajardo, Gilly Guzman, Kenzo Bautista, Seb Herrera, Denver Dalman, Francis Lim, Trick Santos, Jascel Valencia, Tanner Jude, Jon Laureles, Clyde Garcia, Matt Cruz, Timothy Tiu, Brian Zamora, Jeff Cabrera, Roj Concepcion, Jai Gonzales, Chase Peralta, Dave Bono, Ash Rivera, JC Dacillo, RZ Condor, Niko Badayos at Gab Salvador.

Take note, ngayon pa lang ay may kanya-kanya na silang hukbo ng mga support base sa dami ng nanood sa nasabing event.

Present din sa naturang event ang host na si Miss Universe 2018 Catriona Gray gayundin ang mga co-host niyang sina Albie Casino at Yukii Takahashi.

Produced by Cornerstone Entertainment, magsisimula nang mapanood ang nasabing reality show simula June 18 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5 (every Saturday).

AUTHOR PROFILE