Knife

Kelot tinigok dahil sa yosi

November 16, 2023 Jonjon Reyes 166 views

PATAY ang isang lalaki nang saksakin ng kainuman makaraang tumangging bumili ng sigarilyo sa riles ng tren sakop ng Anonas St., Sta.Mesa, Manila noong Miyerkules.

Nakilala ang biktima na si Kenneth Ibardolaza, 31, ng Teresa St., Sta. Mesa.

Batay sa ulat ni Det. Jason Ibasco kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:30 ng hapon nang maganap ang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasama sa inuman ang biktima at ang suspek.

Inutusan ng suspek na si alyas Apang ang biktima na bumili ng yosi pero tumanggi ito.

Doon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang nakakuha ng patalim ang suspek saka inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima.

Dakong alas-6:37 ng gabi nang ideklarang patay ang biktima ni Dr. Edgar Jason Surile ng San Juan Medical Center.

AUTHOR PROFILE