Default Thumbnail

Kelot tiklo sa P1.3M shabu sa Dumaguete

March 22, 2023 Zaida I. Delos Reyes 180 views

ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng P1.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Martes ng hapon sa Dumaguete City.

Sa ulat ng Negros Oriental Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay 35-anyos, residente ng Batasan Hills, Quezon City.

Nadakip ang suspek dakong 3:10 ng hapon sa Purok Panaghiosa, Barangay Calindagan.

Nakuha ng mga operatiba sa suspek ang 195 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,329,400.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa Dumaguete Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.