Default Thumbnail

Kelot naglaslas ng leeg, kamay; buhay

October 23, 2023 Melnie Ragasa-limena 200 views

NAGTANGKANG magpakamatay ang isang senior high school student sa Quezon City sa pamamagitan ng paglaslas sa kamay at leeg noong Linggo.

Nagtamo ng malalim na sugat sa kamay at leeg ang 25-anyos na biktima na residente ng Bgy. Apolonio Samson, Quezon City, ayon sa report.

Sa salaysay ng saksing sina Reynaldo Perez at Melchor Solitario, ng Barangay Damayan, Quezon City, nagroronda sila dakong alas-8:00 ng gabi nang makita ang biktima sa Damayan Public Market, Barangay Damayan, Quezon City.

Napansin nila na duguan ang biktima kaya agad nila itong dinala sa Quezon City General Hospital.

Idinadaing umano ng biktima ang pagtatapos ng kanyang kontrata bilang helper kaya ninais niyang wakasan na ang kanyang buhay.

Nakikipag ugnayan na ang pulisya sa pamilya ng biktima at inirekomenda ang pagsasailalim sa babae sa counselling.