Posas

Kelot na suspek sa paghahalay huli

October 15, 2023 Gil Aman 170 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal–Nalaglag sa kamay ng mga pulis ang isang lalaki na suspek sa panghahalay sa isinagawang manhunt sa Nagcarlan, Laguna noong Oktubre 14.

Kinilala ni PCol. Harold Depositar, officer-in-charge ng Laguna Police Provincial Office, ang naaresto na si alyas Mark, ng Nagcarlan, Laguna.

Ayon kay PMaj. Paul Raymund Ayon, hepe ng Nagcarlan police, nahuli ang suspek dakong alas 9:10 ng umaga sa Bgy. Balinacon, Nagcarlan, Laguna.

Nahaharap ang akusado sa statutory rape at walang kaukulang piyansa na inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

“Sa pagkaaresto ng akusadong ito tinitiyak namin na makakamit ng biktima at ng kanyang pamilya ang hustisya.

Nagpapasalamat din kami sa ating mga kababayan sa patuloy na pakikipag tulungan sa ating mga kapulisan upang mabilis matukoy ang kinaroroonan ng mga nagtatago sa batas,” sabi ni Depositar.

AUTHOR PROFILE