Default Thumbnail

Kelot na dayo sa Tondo dedo sa tarak

January 4, 2023 Jonjon Reyes 196 views

ISANG kelot na dayo umano lamang sa lugar ang pinagsasaksak at hindi pa nakikilalang sa sumandaling ito, makaraang mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10, Tondo, Maynila Martes ng gabi.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35-anyos ang biktima, na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt na sleeveless, naka-maong na pantalon, nasa 5’0 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo sa kanang balikat at sa likod ng katawan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulisya at pag-review ng kuha ng CCTV (closed-circuit television) camera sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Batay sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 11:30 ng gabi, nang maganap ang pananaksak sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa nabanggit na lugar.

Natugpaan ang biktima na nakahandusay na lamang at wala nang buhay batay sa pagresponde ni Det. John Kevin Zuñiga.

Pansamantalang inilagak ang labi ng biktima sa isang punerarya para sa kaukulang awtopsiya habang gumugulong ang imbestigasyon sa pagpatay sa biktima.

AUTHOR PROFILE