Turla

Kelot Iniluwa ng dagat

September 19, 2023 Jonjon Reyes 311 views

PINALALAGAY na inanod mula sa Caloocan ang isang 42-anyos na lalaki makaraang matagpuang lulutang-lutang sa Estero de Sunog Apog pumping station sa Gagalangin, Tondo, Maynila noong umaga ng Martes.

Nakilala ang biktimang si Ronaldo Nevado, ng 1119th Ave., West Grace Park, Caloocan City

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 6:30 ng umaga nang matagpuan ng isang nangangalakal ng basura ang katawan ng lalaking na palutang-lutang sa naturang lugar.

Nakasakay sa bangka at nangangalakal ng basura ang saksi nang mamataan ang isang bangkay ng isang lalaki.

Agad nitong ipinagbigay alam kay Chairman Edison Yu ng Barangay 177. Ini-report ni Yu sa mga tauhan ng MPD- Gagalangin police community precinct ang nakita nilang bangkay.

Ayon sa salaysay ng kamag anak ng biktima na si Danilo Nevado, huling nakitang buhay ang kanyang pinsan Lunes ng hapon na naglalakad sa nasabing lugar.

AUTHOR PROFILE